Mga Asyanong Sumusuporta sa Hurisdiksyon at Pamamahala ng Wet'suwet'en

Kami’y sumasamo sa lahat ng mga Asyanong lumagda at magpalagda ng pahayag na ito. Mga pangalan ng indibidwal at mga grupo lamang ang maisasama sa listahan.

Kami, mga Asyanong naninirahan sa Turtle Islan (mas kilala bilang kontinente ng Hilagang Amerika), ay mariing kinukondena ang karahasang kamakailan ay ipinataw ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) sa panghihimasok sa tradisyunal na teritoryo ng Wet’suwet’en at walang sahol na pag-aresto sa mga tagapagtanggol ng lupa. Nakikiisa kami sa marami-rami nang mga pagkilos bilang pagsuporta sa Wet’suwet’en mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang na sibil na pagsuway ng masa, pagharang sa transmisyon ng mga produkto, pag-okupa ng opisina ng ilang pulitiko, at demonstrayon.

Kami ay lubos na nayayamot sa pakikisabwat ng binansagang “progresibong” liderato ni John Horgan at ng Partido New Democratic sa lalawigan ng BC habang patuloy ang kanilang pagsuporta sa kumpanyang Coastal Gaslink na pinapanigan ng estado sa pananakop nito sa teritoryo ng Unist’otet’en bilang paglabag sa Deklarasyon sa Karapatan ng mga Katutubong Tao ng Mga Nagkakaisang Bansa (UNDRIP) at ng Anuk Nu’at’en (Batas ng Wet’suwet’en) at ang kolektibong titulo. Kami’y nananawagan sa TransCanada, Premiyer John Horgan, Punong Ministro Justin Trudeau at sa RCMP na maghunusdili at respetuhin ang pamamahalang kolektibong minana ng mga Wet’suwet’en na nagpapatupad ng kanilang sarili batas sa lupang di kailan man nasakop. Kami’y nanawagan sa pamahalaang magbigay respeto sa batas ng Wet’suwet’en na naitaguyod na bago pa man ang kolonyal na mga batas.

Sadyang magkaugnay ang pakikibaka ng mga katutubo at mga Asyano. Bilang mga mamamayang diasporikong nasa nakaw na lupang katutubo, tungkluin nating mag-aral ng kasaysayan ng mga bayang naetsapwera dahil sa ating kapabayaan sa pananakop ng kanilang mga lupa at pagkabigong siguruhin ang makakuha ng kanilang pahintulot. Kinikilala namin ang nakapanlulumong epekto dulot ng kolonyalismo sa mga komunidad at ang pagkawalang mamamay-ari sa iba’t ibang henerasyong dala rin nito. Kinikilala rin namin ang kasangkapan ng kapital mula sa Silangang Asya sa disposesyon at pagkawasak ng mga lupang katutubo sa tinaguriang Canada. Marami-rami sa mga kapitalistang namumuhunan sa proyektong tubo ng LNG ng kumpanyang Coastal GasLink ay may himpilan sa mga bansang Tsina, Hapon at Timog Korea, kabilang na ang mga kumpanyang gaya ng PetroChina, Mitsubishi, at Korean Gas. Habang labis na tubo ang hangad ng mga kapitalistang kumpanyang ito mula sa lupa ng Wet’suwet’en, kami’y naninindigan na hindi sila kumakatawan sa amin. Sumusuporta kami sa pakikibaka laban sa paghaharing batay sa kulay ng balat, kolonyalismong settler at kapitalismong at iugnay mismo ang mga ito sa sarili.

Nakatala sa kasaysayan na nakaasa ang kayamanan ng tinaguriang ‘Canada’ sa nakaw na mga lupang katutubo, henosidyo o malawakang pagkitil ng lahi, mga pinatay at nawawalang mga kababaihang katutubo, pagwasak ng matriarkiya, at ang pananamantala ng mga migranteng manggagawa, na ang karamihan ay mga Asyano. Itinatatwa ng pagkakahati ng lipunan batay sa lahi ang samu’t saring ugnayan natin sa lupang ito, sa halip ay nagsisilbi sa interes ng mga korporasyon. Ginagatungan ng rasismo ang mga komunidad na kalabanin ang isa’t isa, at pinalalabo ang kompleksidad ng ating mga relasyon sa bawat isa. Hindi namin tintatanggap ang ganitong klaseng mga pagkakahati ng lipunan, bagkus hangad namin ang pagpapalawig ng ating mga relasyon.

Kami’y nananawagan sa aming mga komunidad na mag-ingay, mabahagi ng mga mahahalagang bagay at umaksyon bilang pagpapakita ng pakikiisa sa Wet’suwet’en. Iklik ang sumusunod upang malaman pa ang ibang paraan ng pagsupota. Bahagi nito ang paggamit ng email, pagtawag sa linya ng gobyerno, pagbibigay pondong ligal ng Unist’ot’en, pagdalo sa mga aktibidad, mga demonstrasyon atbp. aksyon, at pag-oorganisa ng kapwa natin na sumulat ng mga pahayag bilang pakikiisa.

Kami’y sumasamo sa lahat ng mga Asyanong lumagda at magpalagda ng pahayag na ito. Mga pangalan ng indibidwal at mga grupo lamang ang maisasama sa listahan.